Dulog at dinig outreach caravan ng City of Ilagan, muling umarangkada

Muling umarangkada ang Dulog at Dinig Outreach Caravan Program ng Lokal na Pamahalaan ng City of Ilagan sa Brgy. Sitio Lagis at Sindon Bayabo.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay City of Ilagan Public Information Officer Paul Bacungan, nagsagawa sila ng iba’t-ibang aktibidad sa dalawang liblib na lugar sa lungsod.

Ilan sa kanilang isinagawa ay ang medical at dental mission at libreng pamamahagi ng gamot.

Isinagawa rin ang kasalang bayan ng 16 na pares ng magkasintahan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Kasabay nito, nakatanggap din ng rice seed ang mga residente sa dalawang barangay habang ang mga persons with disability ay nakatanggap din ng assistive devices kasabay ng pagpaparehistro para sa kanilang ID.

Pinasinayaan din ang ang Health at Day Care Center sa Sitio Lagis na pinondohan ng LGU katuwang ang ilang non-government agencies kasabay ang pagsasagawa ng groundbreaking ceremony para sa kanilang konstruksyon ng covered court. 

Kaugnay dito, maglulunsad  pa sa nasabing barangay ng Swine Breeding at Fattening Project bilang tulong pangkabuhayan sa mga residente.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ang lahat ng aktibidad na ito ay isinagawa sa isang araw lamang kung saan natulungan ang nasa mahigit dalawang libong residente ng dalawang barangay.

Ang Dulog at Dinig Outreach Caravan ay isang programa ng LGU Ilagan na nagsimula pa noong 2007 kung saan isinasagawa ito kada dalawang buwan na layunin nito ilapit ang serbisyo, programa, proyekto, at aktibidad ng LGU lalo na sa mga liblib na lugar ng lunsod.