DTI, nag-ikot sa Divisoria upang tignan ang mga presyo ng school supplies

Nagsagawa ng Joint Monitoring and Enforcement sa mga school supplies ang Department of Trade Industry (DTI) sa mga tindahan sa Divisoria.

Kaugnay ito sa pagbubukas ng pasukan sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa August 29, ayon sa inanunsyo ng Department of Education (DepEd).

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa ginawang pag-iikot ni DTI Secretary Alfredo Pascual, pinuntahan niya ang bawat tindahan upang tignan ang mga presyo ng mga school supplies tulad ng notebook, krayola at marami pang iba.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kung maalala, sa ilalim ng RA 7581, karapatan ng DTI at iba pang ahensya tulad ng Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) na tiyaking nasa “reasonable” na presyo ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayang Pilipino.