DSWD tiniyak na hindi mauubusan ng relief goods para sa mga biktima ng kalamidad

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng relief items para sa mga biktima ng bagyong Odette.

Ayon kay DSWD Spokesman Dir. Irene Dumlao kasalukuyan nagsasagawa ng repacking ng mga relief goods upang masigurong hindi mawawalang ng resources ang mga LGUs.

Read More:  DPWH targets 11,395 infrastructure projects in 2027

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang DSWD sa Philippine Coast Guard para ma-transport ang relief goods sa mga lugar na nangangailangan.

Inihayag naman ni Dumlao na mahigit ₱1.5-M halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng DSWD.

Read More:  DA urges Filipinos to stop wasting rice as PhilRice says 10.85 million sacks are wasted yearly

Sa ngayon sinabi ni Dumlao na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga LGU para makahanap sa kanilang lugar na maaaring pagtayuan ng temporary shelters o camp-like shelters para sa mga nasalanta ng bagyo.