Bukas umano si Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na makatrabaho si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon.
Sa Saturday News Forum – sinabi ng Kalihim na ‘looking forward’ siya na makatuwang si Gadon para sa mga pamamaraan para masugpo ang kahirapan sa bansa.
Sabi ni Gatchalian, tatanggapin nila ang tulong at mga ambag ng kahit na sinong Pilipino na nais lumaban sa poverty sa Pilipinas.
Samantala, sa hiwalay na Viber message – sinabi naman ni Gadon na ang pag-welcome sa kaniya ni Gatchalian ay patunay lang daw na nagkakaisa ang mga opisyales ng mga sangay ng pamahalaan.
Kung maaalala, una nang sinabi sa panayam ng Brigada NewsFM Manila ni Gadon na target niyang ilunsad ang Batang Busog Malusog, ‘o ‘yung BBM program.
Idiniin din ni Gadon sa naturang interview na hindi ‘redundant’ ang functions ng PAPA sa DSWD at iba pang ahensya ng Gobyerno dahil kailangan daw ma-synchronize ang iba’t ibang mga trabaho nito.
#
