Pinasalamatan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga volunteers na tumulong para sa pagre-repack ng mga relief goods sa para sa mga nasalanta ng Bagyong Carina at Habagat.
Umabot ng mahigit 340,000 mga kahon ng family food packs ang natapos na i-repack sa nagpapatuloy na produksyon ng naturang tulong.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, ang dami ng packs na ito ay nagawa dahil sa tulong ng 9,000 volunteers.
Mababatid na simula pa lamang noong July 23, sunod-sunod na ang pagdagsa ng mga volunteers sa National Resource Operations Center (NROC) para makiisa sa paghahanda ng mga food supplies.