DSWD fo2 isolation facility, pinasinayaan

Pinasinayaan ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 ang bagong gawang Isolation facility sa Enrile, Cagayan.

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista at mga kawani ng Regional Office ang ribbon cutting para sa pormal na pagbubukas ng nasabing pasilidad.

Ayon kay Sec. Bautista, layunin ng naturang pasilidad na maging pansamantalang tirahan ng mga empleyado ng ahensya na maapektuhan ng COVID19.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang Isolation facility ng ahensya ay ipinatayo mismo sa Cagayan Valley Regional Rehabilitation Center for Youth (CVRRCY).

Nagpasalamat naman si Regional Director Cezario Joel Espejo sa direktibang magkaroon ng pasilidad sa bawat regional offices para sa kanilang mga empleyado.

Sinimulan noong September 1, 2021 ang konstruksyon ng Isolation facility kung saan pinondohan ito ng mahigit 3.7 milyon pesos sa ilalim ng DSWD Center and Residential Care Facility (CRCF) fund.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Mayroon itong pitong regular room, 2 PWD room, sala, mga beddings, internet connection at air conditioning at may kabuoang floor area na 228 square meters.

Gagamitin umano ito ng mga empleyadong tataman ng COVID 19.