DSWD Chief Gatchalian, opisyal nang naghain ng kanyang resignation bilang miyembro ng Kamara

Opisyal nang naghain ng kanyang pagbibitiw bilang miyembro ng House of Representatives si Valenzuela City 1st District Rep. Rex Gatchalian kasunod ng kanyang pagkakatalaga kamakailan bilang Department of Social Welfare and Development secretary.

Ang official letter of resignation ni Gatchalian ay ipinadala kay Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez noong February 1.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nakasaad sa liham ang pagkakaroon ng karangalan at pribilehiyo ni Gatchalian na maglingkod bilang miyembro ng K 19th Congress at bilang Chairman ng Committee on Local Government.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ilang mambabatas kabilang mismo si Romualdez ang malugod na tinanggap ang pagkakatalaga kay Gatchalian at sinabing ang pagkawala nito sa Kamara ang siyang pakinabang naman ng nasabing departamento.//CA