CAMARINES SUR- Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga pamilya at negosyanteng naapektuhanng sunog sa Iriga City, ayon sa ahensya may iaabot pang cash assistance.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Disaster Response Management Division (DRMD) Chief Claudio Villareal Jr. Aniya ang limang pamilyang nanatili sa evacuation center ay nabigyan na ng mga damit, hygiene kits, gamit sa kusina pati gamit sa pagtulog. Ang 109 stall owners ay naassess na rin at nabigyan ng paunang tulog.
Ang DSWD , sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ay naglaan ng isang milyong piso para sa cash assistance na paghahati-hatiin para sa mga apektado.