DSWD Bicol, ipinagpapatuloy na ang normal na operasyon sa pamimigay ng asistensiya sa mga mahihirap na pamilya

Inihayag ng Department of Social Welfare and Develeopment (DSWD) Bicol na ipinagpapatuloy na nila ang pagbibigay ng asistensiya sa mga mahihirap na pamilya sa rehiyon.

Kinumpirma ni Donna Osial ng nasabing ahensiya sa Brigada News FM Legazpi na katunayan nito, noong unang araw ng Pebrero ay bumalik na sila sa normal na operasyon o ang pagbabalik ng outright cash para sa medical, burial at iba pang asistensyang kailangan ng ilang kababayan at guarantee letters para sa may mga malalaking gastusin sa ospital, kung saan mayroon umano silang partnership sa ilang mga ospital at mga funeral service providers.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Aniya, noong Enero umano ay pansamantalang walang outright cash o walang binibigay na pera bilang asistensiya sa mga kababayang humihingi ng tulong dahil naghintay din ang ahensiya na mababaan ng pondo.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Dagdag pa niya, ganito umano ang karaniwang scenario kapag nagtatapos ang taon kung saan nagsasara ng mga books ang gobyerno, at sa oras na mayroon nang pondo at maaari na muling ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong.

Subalit nilinaw ni Osial na hindi naman “totally” huminto ang kanilang operasyon noong nag-umpisa ang bagong taon dahil tuloy-tuloy naman umano ang kanilang pagtulong sa pamamagitan ng guarantee letters.