DSWD Bicol aminadong maraming mga 4Ps ang hindi pa nababakunahan dahil sa pangamba sa ‘side effects’

LEGAZPI – Aminado ang Department of Social Welfare and Development o DSWD Bicol na marami pa hanggang sa ngayon ang hindi pa nababakunahan na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps dahil sa pangamba sa ‘side effects’ na posibleng maranasan sa 1st dose at 2nd dose ng bakuna.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Priscilla Saladaga, Division Chief ng 4Ps ng DSWD Bicol, may mga pangamba pa rin sangayon ang ilan sa mga miyembro ng 4ps dahil sa maling impormasyon ang kanilang naririnig sa mga sabi-sabi at nakikita sa t social media, na nagiging dahilan upang mababa pa rin ang vaccination rate sa rehiyon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Karamihan din sa mga miyembro ay mga pregnant women na kung saan hindi pwedeng bakunahan ang buntis na nasa tri-semester dahil sa posibilidad umano’y side effects na gamot.

Kaugnay nito, hindi naman tumitigil ang kanilang ahensya para magsagawa ng ‘information education campaign’ upang makatulong na madagdagan ang kaalaman sa bakuna at mabuting epekto nito sa sa gitna ng nagpapatuloy na Covid-19 sa bansa.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

 Samantala, nanawagan ang opisyal sa mga miyembro ng 4Ps na wag magpaniwala sa mga nakikita sa social media at sabi-sabi may kinalaman sa side effects pagkatapos mabakunahan. Kung mayroon din naman na nagsasagawa ng bakunahan sa lugar ay makiisa na at magpabakuna na upang maibsan na din ang posibleng paglaganap ng sakit na Covid-19 at maitaas na sa Vaccination Rate ang isang komunidad.