DSWD-12, magpapatuloy sa paghahatid ng social assistance

KORONADAL CITY – KOMITADO ang Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 sa paghahatid ng kinakailangang social assistance para sa mamamayan ng SOCCSKSARGEN.

Mismo si DSWD-12 Regional Director Director Loreto Jr. V. Cabaya ang nagpasiguro na makakaasa ang publiko na hindi magdadalawang-isip ang kanilang opisina sa pagbibigay ng interventions para sa ika-uunlad ng bawat isa.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Inihayag ni Cabaya, Jr., na nasa 228, 441 lahat ang family beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa buong Rehiyon-12.

Dagdag ng opisyal na ang SOCCSKSARGEN ang may P5.5 billion budget para sa pagpapatupad ng isa sa mga pinakamalaking social protection program ng rehiyon para ngayong taon.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Dagdag ng opisyal, na nasa 43,796 self-sufficient families ang nakapagtapos na sa programang ito sa pamamagitan ng Pugay Tagumpay ceremony simula noong 2023 hanggang 2024.

Binigyang-diin ni Cabaya, na ang pagpapatupad ng 4Ps ang magpapatuloy na tumulong upang mapaibayo ang pamumuhay ng mahihirap na mga pamilya sa Rehiyon-12.