Batang archer mula Partido Area, na ‘na-tripan lang sumali sa kompetisyon’, wagi sa National Archery Cup Leg 2

CAMARINES SUR —  Hindi lubos akalain ng labing dalawang taong gulang na si John Jemuel Climaco Pitallano mula sa San Jose, sa Partido Area at ng coach nito na iuuwi niya ang gintong medalya sa katatapos pa lamang na 22nd Philippine Archery Cup Leg 2 at 2024 Grassroots Archery Development Program Leg 2 under  13 Recurve Boys Category na ginanap sa Sorsogon City, matapos ma-tripan lang nitong sumali sa kompetisyon at walang maayos na training.

Nakasagupa ni Pitallano ang mga dating naging kalaban sa Batang Pinoy 2023 National Championship mula sa Cebu, Davao, Pasig, at Sorsogon City mula sa Elimination, Quarterfinal, Semifinal at sa Gold Medal Match, sa score na 29-27, 29-28, at 29-28, tinalo niya ang kinatawan ng Sorsogon City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Helbert Remoroza Climaco, ang Tito at ang Coach ni Jemuel, sinabing bagaman sa ngayon wala na sa plano nila ang sumabak pa sa susunod na stage ng kompetisyon dahil sa problemang pinansyal, kung aniya’y may susuporta sa bata upang muling makalaban, ay tiyak na sasali ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *