Driver ng motorsiklo na naaksidente sa Quezon Palawan, binawian na ng buhay

Binawian na ng buhay habang nasa ospital ng Palawan ang driver ng motorsiklo na naaksidente nitong gabi ng Miyerkoles, February 7 sa Barangay Quinlogan, Quezon Palawan.

Ito ay kinumpirma ng pulisya sa Brigada News FM ngayong Biyernes sa pamamagitan ng progress report.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon sa kapatid, bandang alas-nwebe ng Huwebes namatay sa pagamutan si Cristian Magbanua, 24 anyos dahil sa tindi ng pinsalang tinamo sa katawan.

Bago siya, nasawi sa Quezon Medicare Hospital ang angkas nitong si Adonis Gamelo, 24 anyos matapos itong maidala sa pagamutan nang gabing iyon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakabanggaan ng kanilang motorsiklo ang isang truck na may kargang mga palay na minamaneho ni Christian Drilon.