Batangas City – Sasampahan na ng kaukulang kaso ng Land Transportation Office o LTO-CALABARZON ang driver ng isang kolorum na van sa Barangay Antipolo Del Norte, Lipa City, Batangas.
Ito ay matapos mahuling pumapasada nang walang mga kaukulang dokumento kasabay sa pinaigting at agresibong Anti-Colorum Drive ng ahensya.
Dinala na sa lokal na pulisya ang driver ng van para sa pagsasampa ng kaso, habang naka-impound ang naturang sasakyan na may plakang NIK450.
Kaugnay nito, muling nagbabala si Regional Director Elmer Decena ng LTO Calabarzon ukol sa mga maling gawain ng colorum operator.
Panawagan niya, na itigil na ang mga ilegal na aktibidad.
Dagdag pa niya, sinisigurado niyang mas paghihigpitan ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa transport sector.