Driver, patay sa aksidente sa San Jose, Camarines Sur

CAMARINES SUR – Dead on arrival ang isang lalaking driver ng minamaneho nitong SUV matapos mabangga ang pampasaherong bus sa San Jose, Camarines Sur.

Ayon sa inisyal na detalye ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Jose, napag-alaman na tubong San Benito, Goa parehong lalawigan ang driver. Naipit ito sa kanyang SUV kaya nahirapan silang i-rescue. Wala na itong malay nang makuha mula sa pagkakaipit. Nadala naman agad sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival ng doktor ayon sa BFP.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun
Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Sa imbestigasyon ng San Jose PNP, napaglaman na nakain ng SUV ang linya ng bus. Inaalam pa kung ano ang magiging desisyon ng pamilya ng biktima.