Drive thru payment system ilulunsad ng Canoreco

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Camarines Norte Electric Cooperative na ilulunsad na nito ang ‘DRIVE THRU PAYMENT system sa kanilang Main Office na matatagpuan sa Megastar Hotel Barangay Itomang, Talisay Camarines Norte.

Sisimulan ang drive thru payment sa Miyerkules Agosto 18, 2021 simulang alas 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, Lunes hanggang Sabado.

Ayon sa naturang kooperatiba ng kuryente, lahat ng member consumer owner na may sasakyan  at gustong mapabilis ang pagbayad ay maaaring i-avail ang Drive Thru payment.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dalhin lamang umano ang billing statement sa pagbayad ng electric bill.

Isa ito sa paraan ng naturang kooperatiba ng kuryente upang mapabilis ang pagbabayad ng mga konsuymer.

Dati na ring inihayag ng naturang kooperatiba ng kuryente na naka line- up na rin ang digital payment method.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Noong magsimula ang pandemya ay nagdagdag ng maraming bayad centers sa mga barangay upang hindi na kakailanganing pumunta sa Canoreco office o sa bayan lalo na ang mga nagmula sa malalayong lugar.