DPWH, susuriin ang structural stability ng halos 6k na mga gusali sa Metro Manila bilang paghahanda sa “The Big One”

Nakatakdang suriin ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang structural stability ng nasa 6,000 mga gusali sa Metro Manila bilang paghahanda sa malakas na lindol o kung tawagin ay “The Big One.”

Sinabi ni DPWH Undersecretary Maximo Carvajal , kabilang sa kanilang susurrin ang 4,000 school buildings, 351 health facilities, 1,180 iba pang public buildings at 402 local government unit buildings.

Read More:  DOT continues talks to appoint BINI as tourism ambassadors

Nagpapatuloy din ang pagtatayo ng alternative DPWH building sa Pampanga na magiging command center sakaling magkalindol ng malakas at gumuho ang mga gusali sa NCR.

Read More:  PNP says no warrant received against Sen. Marcoleta

Sa report pa ng DPWH, may nagawa na silang mga earthquake-resistant na evacuation centers.

Sa Luzon, may nakatayo ng 8,098 evacuation centers, 3,000 sa Visayas at 4,820 sa Mindanao o kabuuang 15, 918 evacuation center.//CA