Magsasagawa ng road reblocking at repairs sa ilang kalsda simula mamayang gabi ang Department of Public Works and Highways o DPWH.

Sa abiso ng Metro Manila Development Authority o MMDA, magsisimula ang road repairts mamayang alas onse ng gabi na magtatagal ng alas singko ng umaga sa darating na Lunes.
Labing-anim na kalsada ang isasaillaim sa repairs na nasasakupan North at South Bound ng C-5 road, bahagi ng North at South Bound ng Edsa at bahagi ng Quezon City.
Inaabisuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala ang kanilang biyahe sa mga nabanggit na oras ng gagawing repairs.