Hindi nanghihinayang si Department of Transportation Sec. Jaime Baustista sa pagbawi ng desisyon ng Pilipinas na umutang ng pondo sa China para sa linya ng tren na itatayo sana sa Mindanao.
Ito ay dahil sa mabagal na proseso ng China sa naturang proyekto.
Hindi naman masabi ni Sec. Baustisa kung bakit lumamlam ang pagpopondo ng China sa proyektong pang-imprastraktura ng Pilipinas.
Nilinaw din ng kalihim na walang kinalaman dito ang tumitiding tensyon sa West Philippine Sea.
Kasalukuyan ng naghahanap ng pondo ang pamahalaan para ipagpatuloy ang mga naatalang proyekto ng DOTr.
