DOTr, nag-deploy ng task force para sa mahigpit na seguridad sa MRT3

Agad na pinapakilos ng Department of Transportation (DOTr) ang isang Inter-Agency Task Force para sa mahigpit na seguridad sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) kasunod ng nangyaring bomb threat, kahapon.

Ayon kay DOTr-Office for Transportation Security (OTS) Undersec. Mao Aplasca, na ipinadala ang bomb threat sa pamamagitan ng email.

Nagtulong-tulong naman ang ilang ahensya at opisyal sa pag inspekyon sa MRT-3 system, para masiguro ang kaligtasan at seguridad sa train station at mga pasahero.

Tiniyak din ng DOTr na kumpleto na ang visual check inspection ng bawat pasilidad.

Sa kabila ng bomb threats wala namang sinuspendeng operasyon ang pamunuan ng MRT-3 sa lahat ng estasyon at tren.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *