DOTr, inirekomenda sa LTO ang show cause order laban sa rider na nakasagi ng mga pasahero

Inirekomenda ng Department of Transportation sa Land Transportation Office na bigyan ng show cause order ang rider na nakasagi ng mga pasahero sa EDSA bus lane noong Disyembre 22, 2023.

Kinumpirma naman ng Metropolitan Manila Development Authority na tauhan nila ang lalaki.

Paalala ng DOTr na lima lang ang pinapayagan sa Bus Lane at ito ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice at Supreme Court.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Patuloy naman ang pagsasagawa ng MMDA ng kanilang operasyon sa mga lumalabag sa panuntunan sa bus way.