Inihayag ng bagong Department of Transportation (DOTr) chief na si Secretary Jaime Bautista na nais niyang magkaroon ng mas accessible at affordable na transportasyon sa bansa.
Ayon kay Bautista, gusto umanong baguhin ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine transport industry at gawin ito base sa global standards.

Kabilang dito ang pagbibigay ng mas komportable at ligtas na transport service para sa mga Pilipino sa buong Pilipinas.
Samantala, sinabi ng naturang kalihim na magfo-focus sila sa mga pasahero at mga pangangailangan nito katulad ng mga kalsada, paliparan, seaports at railways. (ARGIE ERGINA)