DOST RO2, nahagi ng 30 units solar drying trays sa LGU-CITY OF ILAGAN

Namahagi ang Department of Science and Technology Region 2 ng filipino-made 30 units ng multipurpose solar drying trays sa Local Government Unit ng City of Ilagan.

Nakatakdang ibigay ang nasabing drying facility sa Sindon Bayabo Community Center na kinilalang CEST area, Asosasyon ng mga Ama, Syudad ng Ilagan (AMA-SILA) at Ilagan Association of Women (ILAW).

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ito ay bahagi ng inisyatibo ng pagsuporta ng ahensya sa mga filipino investors at makatulong sa komunidad sa gitna ng nararanasang pandemya.

Makakatulong ito sa pagtaas ng harvest efficiency ng mga magsasaka at matugunan ang problema sa pagpapatuyo ng kanilang aning palay tuwing dry at wet season.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Magiging daan din ito upang matuto ang mga magsasaka sa modernong pamamaraan ng pagpapatuyo ng aning palay, mais, beans, gulay, prutas at isda upang maiwasan ang post-harvest losses sa kanilang lugar.

Bukod dito, mapipigilan din nito ang pest infestation at maaring gamitin sa mga storage ventilation na mayroong breathing space upang maiwasan itong maamag, mabulok at masira.