DOST at DILG, papalakasin ang info drive para sa bagyo at pagbaha

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang Meteorological And Geological Hazard Advisories, Warning and Notifications o Project MAGHANDA.

Kasabay ito ng Typhoon and Flood Awareness Week na nagsimula nitong ika-19 ng Hunyo na magtatapos sa June 25.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Layon umano nito na palakasin ang information drive kabilang na ang mga paghahanda para sa bagyo at pagbaha sa bansa.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Samantala, sinabi ni PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Dr. Esperanza Cayanan na kailangan nating paghandaan ang nasa 20 na bagyo na pumapasok sa Pilipinas sa loob ng isang taon.

(ARGIE ERGINA)