Dinepensahan ng Department of Transportation (DOTr) ang nakatakdang pagsha-shutdown ng Philippine airspace sa loob ng anim na oras sa May 17.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista – malaki raw kasing unit ang ii-install nila at kailangang kailangan nang mapalitan ang mga kagamitan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang naturang hakbang ng DOTr ay matapos ang serye ng aberya sa NAIA kabilang na ang naranasang power outage sa Terminal 3 kamakalawa.
Sa ngayon, tiniyak ni Bautista na sisikapin nilang matapos ang installation sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong oras.

Tuloy din daw ang coordination nila sa mga airlines para matukoy at maabisuhan na ang mga maaapektuhang mga pasahero.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ng Philippine Airlines na tinatayang aabot sa 40 na mga international at domestic flights ang maaapektuhan sa naturang shutdown.
Tiniyak naman ng PAL na maaaring i-rebook ang mga flights na apektado. //LGD