Muling magbubukas ang Manila Bay Walk Dolomite Beach sa publiko sa ika-12 ng Hunyo kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
Inumpisahan na ang paglilinis at pagpapaganda nito kung saan pininturahan na ang mga bakod at inayos ang buhangin.

Nagpaalala naman ang Manila Bay Coordinating Office na bawal ang maligo dito at tanging pamamasyal ang papayagan ng mga nangangasiwa doon.
Samantala, mahigpit na sinabi ng Department of Enviroment and Natutal Resources (DENR) na patuloy pa ding sumunod sa health protocols laban sa Covid-19. (ARGIE ERGINA)