Umabot na sa 872,000 ang mga child workers sa Pilipinas simula 2020 sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ayon kay Bureau of Workers with Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, nasa 597,000 na mga kabataan edad 5 hanggang 17 ang engage sa hazardous work base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni Trayvilla na anumang uri ng trabaho na ginagawa ng bata edad 17 pababa ay maituturing na child labor.
Samantala, binabantayan umano nila ang datos ngayong 2022 na mas kailangang tingnan ng pamahalaan. (ARGIE ERGINA)