DOLE, umaasa na mapapayagan na ng IATF ang deployment ng mahigit 5,000 nurses

Umaasa ang Department of Labor and Employment na papayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang deployment ng mahigit 5,000 Pilipinong nurses.

Sinabi ni Bello na siya na mismo ang humiling nito sa IATF.

Ayon kay Bello, posibleng ikonsidera ng IATF ang kanilang pusisyon na madagdagan ng 5,000 ang 5,000 na limitasyon sa deployment ng health workers.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Samantala, isinulong naman ni Labor Secretary Silvestre Bello na mabawasan ang quarantine period para sa lahat ng nagbabakasyon na Overseas Filipino Workers sa bansa.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sinabi ni Bello na dapat ay maputol sa lima ang bilang ng mga araw ng quarantine mula sa kasalukuyang sampu para sa mga OFWs na nagnegatibo sa COVID-19.

Ipinunto ng kalihim na dapat ay mabigyan ng karagdagang panahon ang OFW na makasama muli ang kanilang mga pamilya.