DOLE Region 2, nakapagbigay na ng mahigit 3 milyong piso sa CAMP2

Umabot na sa mahigit 3 milyong piso ang naipamahagi ng Department of Labor and Employment Region 2 sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) 2.

Ito ang inihayag ni DOLE Region 2 Information Officer Chester Trinidad sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Aniya, ito ay katumbas ng nasa 63,200 na nabigyan ng one-time financial assistance na nagkakahalaga ng 5,000 sa bawat benepisaryo.

Sa ngayon aniya ay maari pa ring mag-apply sa naturang programa ang nasa tourism industry kung saan dadaan muna ang kanilang aplikasyon sa DOT para sa evaluation bago pumasok sa kanila ang mga datos.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pinaalalahanan naman niya ang mga mag-aaply na kailangan ang active mobile number nila ang ilagay sa aplikasyon upang matanggap nila ang control number para sa kanilang makukuhang financial assistance.