LEGAZPI – Napakabilis ng recovery ng bansa kahit tinamaan ito ng pandemya ang Bicol Region dahil sa hindi naman naglalakihan ang mga negosyo sa rehiyon.
Ayon kay Regional Director Ma. Zeneith Campita Angara ng Department of Labor and Enployment (DOLE) Bicol, umaasa ang mga negosyo sa rehiyon na tuloy tuloy na ang pagbubukas matapos tamaan ng pandemya ang bansa.
Kung titingnan kasi ay unti unti na rin nakakabalik sa pagnenegosyo ang mga may-ari kung saan karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng mga empleyado.
Dahil dito nakakabawi na rin ang mga ito mula sa pagkalugi ng pagnenegosyo kung saan marami ang nawala ng pera simula nang magkaroon ng covid 19 ang bansa.
Dagdag pa nito, bago pa man tumama ang pandemya sa Bicol Region ay naging mabilis naman ang ekonomiya ng bansa kung kayat mabilis rin ang recovery ng mga ito. Karamihan sa mga naapektohan sa pandemya ay mga tourism workers at iba pa na maliliit lamang ang kita ng mga negosyo.