DOLE 12 hindi na tumatanggap ng application sa CAMP 3

KORONADAL CITY- HINDI na tumatanggap ng application para sa COVID 19 Adjustment Measures Program o CAMP 3 ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 12. Ito ang inihayag ni DOLE 12 information officer Charles Bataga matapos na nade-escalate na ang Soccsksargen sa Alert Level II ng COVID 19 response.

Ayon kasi kay Bataga na isa sa criteria ng CAMP 3 ay dapat ang lugar ng mga affected workers ay nasa Alert Level III.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa ngayon, on-going ang pagproseso at releasing ng DOLE 12 ng tig P 5,000 na cash aid sa 77 na qualified beneficiaries.

Sa buong rehiyon, umabot sa 2,328 na mga workers ang nag-apply mula sa 147 na mga establisemento at 70 mga individual applicants.

Ngunit sa isinagawang validation ng DOLE 12, napag-alaman na marami sa mga nag-apply ay hindi naman apektado ng COVID 19 ang kanilang trabaho o mga kompanya at ang iba ay na-retrench bago pa man isinailalim sa Alert Level III ang rehiyon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang CAMP 3 ay para sa mga pribadong establisemento o mga private sector employees na naapektuhan ng pagsarado ng kanilang kompanya, retrenchment, work suspension o temporary closure ng kanilang pinagtatrabhuan dahil sa implementasyon ng Alert Level III o mas mataas pang alert level sa kanilang lugar simula noong buwan ng Enero.