Doktor nagbabala sa publiko sa aksidenteng pagkalunok ng pulbura

CAMARINES SUR-  Isang apat na taong gulang na batang lalaki mula CALABARZON ang nakalunok ng Watusi  o isang uri ng paputok, ang problema iniuwi ito ng magulang kahit hindi pa dapat.

Ayon sa Department of Health, napagkakamalang candy ang Watusi. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Tinambac Municipal Health Officer Dr. John Paul Reazon , kahit na nga may mga first aid dito kailangan pa ring dalhin sa ospital ang nakalunok dahil huli ang epekto ng mga nakakalalasong kemikal.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Ang Tinambac ay may malalayong Barangay , aminado si Reazon na hindi nila lahat naiikutan lagi ng panawagan pero may mga katuwang silang ahensya na pareho ang kampanya na huwag gumamit ng ipinagbabawal na paputok.  Handang-handa naman ang ospital at health offices sa nasabing bayan para sa mga kailangan lapatan ng asistensya medikal sa pagsalubong ng 2024.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint