Sinampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice si Bench Ortillano Lee dahil sa pagbebenta umano ng mga sexual abuse and exploitation materials sa mga online buyers.
Ayon sa DOJ nakatanggap ng impormasyon ang National Bureau of Investigation hinggil sa pagbebenta ni Lee ng mga malalaswang larawan at video ng mga menor-de-edad sa Telegram.
Nahaharap si Lee sa paglabag sa kasong Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act.
Mababatid na sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na po-protektahan ng gobyerno ang mga kabataan mula sa online abuse.