DOJ, pinakakasuhan ang China dahil sa coral harvesting

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na maghain ng mga kaso laban sa China matapos anihin ang mga bahura sa West Philippine Sea (WPS).

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tatalakayin nito ang usapin kasama si Executive Secretary Lucas Bersamin sa lalong madaling panahon.

Naniniwala si Remulla na hindi na katanggap-tanggap ang gawi ng China at hawak din niya ang ebidensya na magpapatunay rito.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Giit ng Justice Secretary, kahit wala pang territorial dispute laban sa China ang pagsira sa kalikasan ay kasalanan sa sangkatauhan.