DOJ, nilinaw na legal ang pag-alok ng reward money ng DILG para mahanap si Quiboloy

Nilinaw ng Department of Justice na hindi illegal ang pag-aalok ng reward money para mahanap si pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos na kwestyunin ng ilang opisyal ng Kingdom of Jesus Christ ang pag-aalok ng Department of the Interior and Local Government ng P10 milyong pabuya sa makakapagturo sa kinaroroonan ng puganteng pastor.

Read More:  Gracioso challenges Sara Duterte, Ex-Speaker Velasco to lie detector test

Binigyang-diin ni DILG Sec. Benhur Abalos, na hindi siya nag-solicit para sa reward money at ito ay tulong lang para mahuli si Quiboloy.

Ayon kay Justice Usec. Nicolas Felix Ty, hindi ipinagbabawal sa batas ang pag-aalok ng reward para mahanap ang isang akusado at maiharap ito sa korte.

Read More:  Marcos laughs off Sara Duterte’s claim that administration is blocking 2028 elections

Giit pa niya na trabaho ng justice sector na ipatupad ang mga criminal law at hindi nila ito magagampanan kung hindi nila mahahanap ang mga akusado.

Matatandaang nahaharap si Quiboloy at limang iba pa sa kasong child abuse sa Davao City court habang naglabas naman na ang Pasig City Court ng warrant of arrest para kasong human trafficking.