45 OFW mula Lebanon nakatakdang umuwi sa Pilipinas

Apatnapu’t limang Pilipino mula sa Lebanon ang nakatakdang umiwi ng Pilipinas dahil sa tumitinding pag-atake ng Israel doon.

Ayon kay Migrant Worker Sec. Hans Leo Cacdac, umaasa siyang darami pa ang mga makukumbinsing magpa-repatriate lalo’t tinaasan na ng DMW at OWWA ang incentives para sa mga uuwi.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Sinabi ito ni Cacdac matapos aprubahan ng Commission on Appointments ang ad interim appointment niya bilang kalihim ng DMW.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga OFW sa Lebanon na umuwi na sa Pilipinas habang hindi pa nagsasara ang mga paliparan doon.