Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa nito ng kasong trafficking at child exploitation sa mga taong nasa likod ng pagbebenta ng mga bagong-silang na sanggol.
Inihain ang kaso laban kay Arjay Malabanan at Ma. Chariza Dizon sa Manila Regional Trial Court.
Mababatid na kamakailan ay nakatanggap ang ahensya ng ulat mula sa Philippine National Police Women and Children Protection Center hinggil sa “black market” kung saan may mga aspiring parents ay gustong mag-ampon.
Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, ang mga bata ang pinakamahalagang yaman ng lipunan na dapat pinoprotektahan ng batas.
Sa huli, nanindigan si Remulla na hindi nila hahayaang mapagsamantalahan ang mga bata.
Hinikayat niya rin ang publiko na maging tagapagtanggol ng vulnerable sectors at mga inosenteng nangangailangan.