Nagpahayag ng suporta ang Department of Justice (DOJ) sa gobyerno ng United States para sa kanilang kampanya laban sa korapsyon at human rights abuses.
Ang pahayag ng DOJ ay bilang tugon sa desisyon ng Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng US Department of Treasury na patawan ng parusa ang nasa 40 indibidwal sa siyam na mga bansa, kabilang na si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo C. Quiboloy.
Sa kabila nito, sinabi ni DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Jose Dominic F. Clavano IV, na hindi pa pinag-uusapan ng ahensya ang naturang isyu.
Dahil dito, humingi ni Clavano ng panahon para iberipika ang naturang impormasyon at hihingi ng payo mula sa US legal experts.

Sa ngayon, ang lahat umano ng property at interests sa mga property ng designated persons na pinangalanan ay nasa United States o kontrolado ng U.S. at dapat umanong ireport sa OFAC. //MHEL PACIA