CAMARINES NORTE- Mas mataas ang bilang ng mga taga Camarines Norte na nabakunahan kontra COVID- 19 noong nakaraang linggo o mula December 5 hanggang 11 kung ikukumpara noong mga nakaraaang karaniwang linggo.
Sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center umaabot sa 3, 149 na indibidwal ang nabakunahan sa nabanggit na panahon.
Halos triple ang itinaas nito kung ikukumpara noong mga nagdaang karaniwang linggo na madalas na mahigit lang isang libo lang o kung minsan nga ay hindi pa umaabot.
Mababatid na inilunsad noong December 5- 7 ang Bakunahang Bayan na layong masuyod at mapataas ang vaccination coverage sa lahat lalo na sa senior citizen at booster dose.
Ang Labo ang siyang may pinakamaraming nabakunahan noong nakaraang linggo na umaabot sa 861 na sinusundan naman ng Paracale na may 533.
Ang Daet at Vinzons ay kapwa may 345, Jose Panganiban 299, Mercedes 286, Basud 194 at Sta Elena 160.
Ang mga nalalabing bayan ay wala pang isang daan ang nabakunahan tulad ng Talisay na may 64, San Lorenzo 46 habang single digit ang Capalonga at San Vicente na kapwa nakapagbakuna lang ng walong indibidwal.
Ang San Vicente at Capalonga ay may mataas ng vaccination coverage.
