Ipinapaubaya ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung tulungan tatanggalin o hinid si Bureau of Corrections (BuCor) Executive Director Gerald Q. Bantag.
Ayon kay Remulla, na ang kanyang kautusan noong Oct. 21 na pagpapasuspende kay Bantag ay kautusan ni Pangulong Marcos.
Pero nilinaw ng kalihim na hindi sila gagawa ng anumang rekomendasyon.
Mababatid na maliban sa dalawang murder complaints para sa pagpatay sa radio commentator na si Percival “Percy Lapid” Mabasa at inmate na si Cristito Villamor Palana, ang umano’y middleman sa krimen, ay may ilang mga imbestigasyon pa ang nagpapatuloy o isasagawa sa BuCor sa ilalim ng liderato ni Bantag.

Kabilang sa mga ito ang joint venture agreement (JVA) na nilagdaan ni Bantag sa private real estate developer para sa turnover ng NBP compound sa Muntinlupa City, kapalit ang bahagi ng lupa sa Nueva Ecija kung saan maaring ilipat ang NBP at 35 percent NBP earnings mula sa development ng NBP; excavation sa NBP; at ang pagpasok ng iba’t-ibang mga kontrabando gaya ng mga beer, two-way radios, cellular telephones, at mga deadly weapons sa loob ng NBP.
Mayroon din umanong nilagdaan si Bantag ng memorandum of agreement sa isang savings bank para sa pagbibigay ng loans sa BuCor personnel sa matas na “interest rates.” //MHEL PACIA