CAMARINES NORTE- Magsisimula uling mag suplay ng tubig ang Alawihao dam sa December 1 bilang paghahanda sa cropping season.
Ito ang inihayag ni Alejandro Espeso, Operation Maintenance Head ng National Irrigation Administration sa isinagawang System Management Committee Meeting kahapon na dinaluhan ng Irrigators Association mula sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte.
Ayon kay Espeso sa ngayon ay nakataas ang sluce gate ng Alawihao dam at wala pa itong iniipong tubig dahil nagpapatuloy pa ang repair na nasirang slope protection sa Bibirao intake.
Base sa approved cropping calendar for Calendar Year 2023 ng NIA, sa December 1 ay mag uumpisa na nang land preparation ang first farmer at sa ikatlong linggo naman ng Disyembre ang last farmer.
Ang first farmer ay magtatapos hanggang sa katapusan ng Disyembre at ang last farmer ay sa ikatlong linggo ng Enero.
“December 1 yung first farmer magla land soak, land preparation and then yung last farmer po 3rd week ng December mag la- land soak, yung first farmer matatapos ng hanggang katapusan ng December ano po and then yung last farmer 3rd week ng January, so mag i- start po ang transplanting 3rd week ng December yung first farmer o tama po ito sa mga plano ninyo, 3rd week ng December yung first farmer, transplanting kasama na po diyan ang crop maintenance which is vegetative and reproductive stage hanggang 3rd week po ng March ano, ang then yung last farmer matatapos ng last week April ano po,” ani Espeso.
Kapansin- pansin na sa approved cropping calendar para sa CY 2023 ay walang rest period.
“Kung mapapansin po natin dito sa cropping calendar natin wala po tayong rest period kumabaga continuous so yung first farmer po ano, magha- harvest ng April and then pagdating po ng May 1 yung first farmer ma- start na naman ng land soak ng land preparation for the next cropping which is wet season.”
