Tiniyak ng Department of Health na paiigtingin nila ang pagbabantay at screening para maiwasang makapasok sa bansa ang nakahahawang sakit na ‘monkeypox’.
Hindi pa man kasi tapos ang pandemya ng COVID-19, na-detect ang monkeypox sa ilang mga bansa sa Europa, North America, at sa Canada.
Ayon sa DoH, sa ngayon ay wala pa silang namo-monitor na kaso nito sa Pilipinas.
Sa ngayon, pinahuyan ng kagawaran ang publiko na panatiliin pa rin ang pagsunod sa minimum health standards dahil nakatutulong din ito sa pag-iwas sa monkeypox.

Ayon sa World Health Organization, ang monkeypox ay maihahalintulad sa kumalat na sakit noon na smallpox.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang lagnat, rashes, at mala-bulutong-tubig na marka sa balat.
Nata-transmit ito sa pamamagitan ng body fluids, pakikipagtalik, at kapag napatakan ang iyong open wound ng tubig mula sa nabuksang sugat ng monkeypox.
#