DOH USec. Balboa, personal na bumisita sa Albay upang alamin ang mga hakbang ukol sa mayon response operations

LEGAZPI CITY – Personal na bumisita si Health OIC Undersecretary and Chief of Staff Dr. Gloria Balboa sa DOH Bicol, upang masuri at malaman ang mga isinasagawang mga hakbang ukol sa Mayon Response Operations, pati na rin ang kalagayan ng mga apektadong residente sa mga evacuation centers.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Maglalaan ang tanggapan ng mga health services tulad ng Water, Sanitation, and Hygiene (WASH), vaccination, disease surveillance,  Nutrition, Mental Health Psychosocial Support (MHPSS), at health advocacy sa mga evacuation centers upang gawing ligtas at malusog ang kalagayan ng mga apektadong pamilya dulot ng mga panganib ng Bulkang Mayon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Magpapadala rin ng karagdagang response teams ang tanggapan upang matugunan ang mga pangangailangan ng evacuees ukol sa kanilang kalusugan.

Patuloy na nagpapaalala ang DOH Bicol na manatiling kalmado at sundin ang mga emergency safety tips upang maiwasan ang anumang panganib na dulot ng pagputok ng Mayon.