DOH, tiniyak na sapat pa ang supply ng gamot laban sa HIV

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat pa ang suplay ng antiretroviral drugs, ‘o ‘yung gamot laban sa HIV sa bansa.

Ito ang paglilinaw ng Kagawaran matapos maglabas ng pahayag ang Network Plus Philippines na mababa na ang suplay nito Pilipinas.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na mayroon pa silang supply ng gamot hanggang sa 2024.

Sinigurado ng Kagawaran na may darating na 58,000 bottles sa katapusan ng buwan ng Hunyo, na sasapat sa mga pasyente.

Sa Hulyo ay may 243, 000 at 292,000 sa Septyembre.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Dahil dito, tiniyak ng DOH na walang dapat ikabahala ang mga People Living with HIV (PLHIV) dahil may suplay pa rin ng gamot sa bansa at dagdagg pa ng 25% o 146,000 bottles upang masuplayan ang mga pasyente hanggang sa susunod pang taon. //MCV