DOH, tiniyak na magagamit pa rin ang Monovalent Covid-19 vaccine sa pagdating ng bivalent vaccines sa bansa

Tiniyak ng Department of Health na magagamit pa rin ang kasalukuyang stock ng monovalent Covid-19 vaccines kahit dumating na ang bivalent vaccines sa bansa.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ipagpapatuloy ng kagawaran ang pagtuturok ng monovalent vaccine kasabay ng pagbili ng bivalent vaccine dahil magagamit ito ng bansa lalo na sa mga nasa vulnerable sector.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Inulit din ni Vergeire ang kahalagahan ng pagkuha ng bivalent vaccines, maaari umano kasing malabanan nito ang original strain at subvariants ng omicron.

Read More:  Remulla urges SC to revisit main plunderer doctrine

Kamakailan sinabi ni Vergeire na nakikipag-usap na ang DOH sa Pfizer-BioNTech at Moderna para sa posibleng pagbili ng bivalent Covid-19 vaccines.

Inaasahang bibilhin ng gobyerno ang new generation ng Covid-19 vaccines sa unang bahagi ng susunod na taon.//CA