CAMARINES SUR- Mababawasan na ang bigat sa bulsa ng mga sumasailalim sa dialysis sa pagbubukas ng kauna-unahang panggobyernong dialysis center sa Partido Area.
Ngayong araw gagawin ang blessing and inauguration sa naturang pasilidad kung saan panauhing pandangal si Department of Health Secretary Teodoro Herbosa. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Municipal Health Officer Dr. Arnel Armea na malaking tulong ito hindi lamang para sa mga taga San Jose kundi mga karating bayan sa ikaapat na distrito ng lalawigan. Magastos kase aniya ang pag dadialysis sa mga pribadong center, magastos din sa transportasyon para sa LGU.
Una nang pinuri ni 4th District Representative Arnie Fuentebella ang LGU San Jose sa pangunguna ni Mayor Jerold Peña sa matagumpay na public-private partnership.