Naniniwala ang Department of Health na masyado pang maaga para ideklara ang local transmission ng bagong subvariant ng Omicron na BA.2.12.1 sa bansa.
Ito ay makaraang makumpirma na dalawang local cases ang nagpositibo sa variant na ito sa Metro Manila kahit na wala silang travel history sa labas ng bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaalam pa rin hanggang sa ngayon kung saan ang pinagmulan ng mga virus na ito.

Posible aniya na mayroong mga undetected cases ng BA.2.12.1 sa bansa o ‘di kaya’y mayroong hindi na-sequence na sample nito.
Sa huli, tiniyak ni Vergeire na ang lahat ng mga kumirmadong kaso ng subvariant na ito ng Omicron ay na-isolate na lahat.
Hindi na rin umano nakitaan ng sintomas ang mga ito.
#