DOH, nilinaw na di pa aprubado ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shots

Hindi pa umano pinapayagan ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shots sa kahit sino sa bansa.

Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) matapos ianusyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbigay na ng go signal ang NITAG sa pagbibigay ng ikatlong bakuna ng COVID-19 vaccines sa mga health workers. 

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Ayon sa DOH, nirekomenda pa lamang ng vaccine experts panel (VEP) ang pagtuturok ng booster shots ngunit kailangan pa itong aprubahan ng All Expert Group (AEG) at ng DOH.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Ang AEG ang siyang nag-aaral sa kaligtasan at efficacy ng bakuna kontra COVID-19, ay siya ring umaalalay sa pagpapatupad ng immunization program sa bansa.