Pinaghahandaan na ng Department of Health ang posibilidad ng tigdas outbreak sa susunod na taon.
Sa Media Forum, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakipag-ugnayan na sila sa World Health Organization dahil sa pinangangambahang measles outbreak.
Ito umano ay dahil sa mababang bilang ng mga batang nababakunahan laban dito.
Sa datos, ang ‘fully-immunized-children’ (FIC) ay nasa 62.9% pa lamang – malayo mula sa target na 95% na routine vaccination.
Aabot aniya sa halos tatlong milyong mga kabataan ang wala pang anti-measles vaccine.
Maliban sa hesistancy, ‘o ‘yung paga-alinlangan ng mga magulang para pabakunahan ang kanilang mga anak, ang pandemic restrictions aniya ang isa sa tinitignang dahilan kung bakit hinid nakapagpabakuna ang mga bata.
#
