DOH nanawagan sa publiko na paigtingin ang pagsunod sa Health Protocols sa gitna ng banta ng Omicron sub variant na BA.2.12.1.

CAMARINES NORTE- Nanawagan ang Department of Health Bicol na mahigpit na ipatupad ang Prevention, Detect, Isolate, Treat, Reintegrate and Vaccination (PDITR+V) strategies gayundin ang istriktong pagsunod sa Minimum Public Health Standards (MPHS).

Ito ay bilang tugon sa posibilidad ng Local Transmission ng Omicron sub variant na BA.2.12.1.

Sa isang pahayag sinabi ng DOH Bicol na ipinapakita umano ng mga pag- aaral na mas nakakahawa ang naturang variant dahil sa additional mutations at mayroong potensyal na ma- infect kahit ang mga bakunadong indibidwal na magreresulta sa pagtaas ng COVID- 19 cases at pagkaka ospital.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa ngayon ay wala pa umanong nadi- detect na mutated Omicron cases Bicol Region.

Gayunman, panawagan ng DOH sa lahat na proteksyunan ang sarili at mga mahal sa buhay.

Ipinaalala rin ng ahensiya ang striktong pagsunod sa Minimum Public Health Standards tulad ng pagsusuot ng face mask, proper handwashingm hand sanitation at social distancing.

Pinapayuhan din ang lahat na iwasan ang C’s  o Close contact, Crowded and Closed spaces at agad na i- isolate ang sarili kapag  nagpakita ng sintomas.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Matatandaan na sa naging panayam ng Brigada News FM Daet noong Lunes kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinabi nitong  pinagtutuunan na ng pansin ng Provincial Health Office ang posibilidad na makapasok sa Camarines Norte ang mas nakahahawang BA.2.12.1 Omicron subvariant.

Ito umano ang dahilan kung bakit nais ng PHO at ng DOH na mapalawak pa ang pagbabakuna kontra COVID- 19.

Sa ngayon ay zero case ng COVID- 19  ang  Camarines Norte at matagal- tagal nang panahon nang huling magkaraoon ng kaso.